Oriana Fatima’s POV “Sa Linggo? Pwede ka?” Nilingon ko ang mag-ama ko na naglalaro sa ibabaw ng kama naming mag-asawa. Family day ang Linggo. Kasama ko dapat sila at wala rin akong gana na umalis at iwan ang mag-ama ko. Mas masaya talaga ako na kasama silang dalawa kaysa ang iba. “Hindi ako pwede, Ayisha,” sagot ko sa kaibigan ko na tinawagan ko gamit ang telepono sa loob ng kwarto ni Damien. “Plano namin na ipasyal si Deena sa linggo.” Family first ako. Mas gusto ko na binibigay ang buong atensyon ko sa pamilya ko. Tsaka, ngayon pa lang kami bumabawi sa anak namin kaya ayokong umalis nang umalis basta-basta ma lang. “It’s okay. Naiintindihan ko naman na may pamilya ka na. Sa Sabado kaya? Pwede ka?” Biglaan ang pagyayaya niya sa akin at sa sobrang biglaan, hindi ako maka-oo agad. H

