Oriana Fatima’s POV Mula sa pagbabasa, naagaw nang nag-iingay na telepono ang atensyon ko. May inaasahan kayang tawag si Damien ngayon? Napatayo ako sa sofa rito sa opisina ni Damien at naglakad ako papunta sa lamesa niya. Wala rito ang asawa ko dahil nasa baba siya at may inaayos sa mga kabayo niya. Nagpaiwan na lang ako rito sa loob ng opisina niya dahil gusto kong magbasa-basa tsaka baka makagulo lang ako sa kanya sa ibaba. Naupo ako sa office chair ni Damien at kinuha ang telepono. Magsasalita pa lang sana ako ng magsalita bigla ang taong tumawag, “Sir, may problema sa eskwelahan ng anak n’yo ngayon.” “Ano ‘yon?!” Napatayo ako sa taranta. Ang bilis nang kabog ng dibdib ko sa sobrang takot. Maayos naman ang anak ko nang ihatid namin siya kanina kaya anong problema naman kaya ‘to?

