Damien Craig’s POV When I’m with Deena, I’m happy. Magaan ang lahat kapag siya ang kasama ko. Lahat ng mabibigat, nawawala dahil sa kanya. Nakakalimutan kong maging malungkot sa tuwing nasa tabi ko si Deena. Kaya sa gabi, hindi ko kayang pigilan ang mga kamay kong nakawin si Deena sa kwarto nila ng kapatid ko. Mas gusto kong natutulog ang bata sa tabi ko dahil hindi ako mapakali na wala sa akin si Deena. Hindi ako makatulog sa kama ko kahit anong higa ko dahil kaiisip sa batang nasa kabilang kwarto lang. Kaya kahit alas-tres ng madaling araw, mukha akong magnanakaw na sumisilid sa kwarto ng kapatid ko para buhatin si Deena at ilipat sa kama ko. Wala naman akong gagawin na masama sa bata. Kaya ko lang siya kinukuha dahil mas gusto kong nasa tabi ko siya. Sanay akong natutulog siya sa t

