Oriana Fatima’s POV “Ang saya-saya ni Bossing at ng anak niyo, Ma’am.” Nilingon ko si Michael dahil sa sinabi niya. Tama siya dahil ganoon din ang nakikita ng mga mata ko. Sobrang saya nga ng mag-ama ko habang nakasakay sila sa kabayo at nasa gitna ng arena. Nakaupo lang ako sa bleacher ng arena habang ang mag-ama ko ay nagpapakasaya sa pangangabayo ngayong hapon. Kahit nakaupo lang ako, enjoy na enjoy ko pa rin ang panonood ko sa kanilang dalawa na enjoy na enjoy ang pangangabayo. Mukhang magmamana si Deena sa ama niya na napakahilig sa mga kabayo. Hindi na rin ako magugulat pa. “Iba ang saya ni Bossing kapag kasama niya kayo at kapag ang mga kaibigan niya naman ang kasama niya.” Napatango ako kay Michael na isa sa mga trabahador ni Damien dito. Nilingon ko ulit ang mag-ama ko at wa

