Oriana Fatima’s POV “Mommy, sa work po ulit tayo pupunta? Doon po sa maraming horse po ulit ni Daddy?” Tinali ko ang sintas ng rubber shoes ko bago ko nilingon si Deena na kumakain ng chichirya habang nakaupo sa ibabaw ng kama namin. Nakabihis na siya pero madumi na naman ang kamay niya dahil sa kinakain niyang chichirya. Hindi naman siya araw-araw na nag chichirya. May araw pa rin kung kailan siya pwede para hindi siya magkaroon ng UTI. Talagang bina-balance namin ang mga kinakain namin ni Deena dahil ayaw namin na magkasakit siya dahil sa mga pagkain. “Ihahatid ako ni Daddy mo sa bananapie tapos kayo ni Daddy mo, pupunta na sa Arena,” sagot ko. Ngayon ang araw na usapan naming magkikita-kita kaming magkakaibigan. Sa banana pie lang kami para malapit sa Arena at madali lang akong m

