Episode 95

3136 Words

Oriana Fatima’s POV “Malapit ng mag five, guys.” Paalala ko sa kanila habang nakatingin ako sa relo ko. Pinaalam ko sa kanila na hanggang five pm lang ako dahil susunduin na ako ng asawa ko. Ako rin mismo nagdesisyon na hanggang ala-singko lang ako ng hapon dahil ayokong kalimutan agad ang responsibilidad ko kay Deena. “Malapit na sigurong dumating ang asawa ko,” sambit ko at binaba ang braso ko. “Malapit na akong umuwi.” Napatingin ako sa labas ng coffee shop. Sigurado akong bago mag five pm nandito na ang asawa ko at anak namin para sunduin ako rito. Sabay-sabay kaming uuwi ngayon na palagi naman naming ginagawang mag-anak. Puro umaga na lang ang trabaho ni Damien. Pagdating ng gabi ay pinapaasikaso na niya sa sikretarya niya dahil gusto niya kaming makasama sa bahay. Kaya tuwing

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD