Oriana Fatima’s POV “Okay lang kaya ‘to?” Mula sa gilid ng mata ko, nakita ko ang paglingon ng asawa ko na nakatayo sa tabi ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Deena na nakaupo sa carpet ng playroom niya at binubuksan ang mga binili sa kanyang bagong laruan ni Damien. Halos araw-araw siyang may bagong laruan at kitang-kita ko na palaging masaya ang anak namin. Ngayon niya lang nararanasan ‘to dahil noong hindi pa namin kasama ang daddy niya, wala namang ganito. Hindi niya nagagawang magbukas ng regalo araw-araw. Nagbubukas lang siya ng regalo sa tuwing birthday niya o kaya naman pasko. Pero ngayon halos araw-araw siyang may natatanggap na regalo mula sa mga magulang ni Damien, sa kapatid ni Damien, mga kaibigan ni Damien at pati na rin sa mga Aceves. “Ang alin?” Pumunta sa likur

