Oriana Fatima’s POV Malamig na tubig ang gumising ang diwa kong bagsak na bagsak. Hindi ko alam kung paano ko ididilat ang mga mata ko na sobrang bigat. Pati ang katawan ko, pakiramdam ko, sobrang bigat talaga. “Gising na diyan, Benson!” sigaw ng isang malakaw na boses sa akin. “Tapos na ang pagiging buhay reyna mo! Tapos ka na! Balik ka na sa pagiging isang Benson na kawawa sa amin!” Benson… Ang apelyido ko. Ang unang apelyido ko na buong puso kong pinagmamalaki. Ang apelyido ng ama ko na walang ibang kagustuhan kundi ang isang malinis na pagtatrabaho pero siya pa ang napagbintangan na masama. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan ko. Bumaba ang tingin ko sa mga paa ko na nakatali at hindi ko alam kung gaano na katagal na nakatali. Ang mga

