Oriana Fatima’s POV Naramdaman ko ang kamay ni Nadine sa likod ko. Inaalis niya ang tali sa kamay ko. Habang si Ayisha naman ay inaalis ang tali sa bewang ko na nakatali sa mismong silya. Tapos si Frence naman ang sa mga paa ko. Anong ginagawa ng tatlong ‘to? Hindi ako nakapagsalita at hinayaan sila sa kaartehan nila o sa kung ano man ‘to dahil gulong-gulo na talaga ako. Parang sasabog ang isip ko sa mga nangyayari sa paligid ko na hindi ko maintindihin. “Sawa na akong sundin ang lahat ng gustong ipagawa sa akin nina Mama at Papa,” panghihimutok ni Nadine sa likod ko. Ano ba talagang mayroon at mukha bigla na naman bumaliktad ang lahat? Ayokong magtiwala na naman sa mga ginagawa at pinapakita nila sa akin dahil baka mamaya isang malaking patibong na naman ‘to. Ayoko ng magtiwala na n

