Chapter 59 Sky's Pov: Nakatingin lang si kuya Axel sa aking kinauupuan. Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha dahil sa biglaang pagdalaw ko sa kanya. Parang naging estatwa siya sa kanyang kinalalagyan at hindi makapagsalita. Ito ba ang sinasabi niyang nangyaari kaya umuwi na lang siya bigla? " Sky..babalik lang ako sa sasakyan, may nakalimutan ako eh." Hindi ko na lang pinansin ang pagpapaalam sa akin ni Kenn dahil nawala siya sa aking isip. " Axel pagtimpla mo nga ng juice itong bisita natin." Utos ng babae sa kanya. Napatingin ako sa babaeng nasa aking tabi. Hindi ko maikakailang magandang babae ito. May maamong mukha, magagandang pilik mata, mapupulang laabi at magandang ilong. Sa madaling salita, ganyan ang pangarap ng mga kalalakihan. Makalipas ang ilang minuto, nakita kong

