Chapter 58 Sky's Pov: Pagbangon ko sa aking kama, agad akong nagtungo sa aking banyo para maligo. Unang araw kasi ng ikalawang semestre kaya dapat ay hindi ako mahuli. Kagabi nga ay nagpasukat ako para sa kasal nina mama at tito Aurelio. Kahit man na ayaw kong matuloy ang kasal nila, wala na akong nagawa pa kasi ayaw ko namang maging selfish sa aking ina. Ayaw kong hadlangan ang kanyang kaligayahan at ayaw kong makitang malungkot siya dahil ang ating ina ang siyang nagdala sa atin ng siyam na buwan sa kanilang sinapupunan, inalagaan sa bawat sandali ng kanilang oras, nanggamot sa ating mga sugat sa tuwing madadapa tayo kakalaro, sila ang umagapay sa ating paglaki at nagturo ng mga magagandang kaugalian na siyang nagpahinog ng ating pagkatao. Kaya kahit na magiging sagabal ito sa aming

