Chapter 65 Nagulat ako nang makita ko ang mga magulang ni Kenn. Kitang kita ko ang ngiti ng kanilang mukha. Bigla akong kinabahan ng maalala ko ang naging usapan nila mama na pagkatapos ng kasal nila mama at Tito Aurelio ay kami ni Kenn ang susunod. Napalunok ako ng tatlong beses. Lumalabas ang malamig kong pawis. Napatingin ako kay Kuya Axel na parang wala lang sa kanya. "Masaya kaming makita ka muli Sky." Bungad ng ama ni Kenn sa akin. Ngumiti na lamang ako ng pilit bilang kasagutan sa kanyang pagbati. "Ngayong tapos na ang kasal ng iyong ina, susunod na rin ang aming hinanda." Gusto ko sanang magsalita ngunit parang umurong ang aking dila sa hindi ko alam na dahilan. Napatayo si Kuya Axel mula sa kanyang pagkakaupo at tinabihan niya ako. "A…anong hinanda?" Nauutal kong tanong sa

