Chapter 64 Nagulat ako nang makita ko ang nakakunot na mukha ng lalaking halata na inis na inis siya. Hindi ko alam at wala akong ideya kung ano ang ginagawa niya rito. "Anong ginagawa mo dito!?" May galit kong tanong sa kanya kahit na hindi siya nakatingin sa akin. Agad naman siyang tumingin at nakita kong napataas siya ng kilay. "Halika kayo..." Biglang pagtawag sa kanila ni Tito Aurelio. Nakatingin lamang siya sa akin habang sumusunod sila kina mama at Tito Aurelio. Sumunod na rin ako sa kanila na papunta kung nasaan si Kuya Axel. "Anak...si Alexa na pinsan mo at ang kanyang kasintahan na si Carlo at si Angelo,kapatid mo." Kitang kita ko ang pagkagulat sa mata ni Kuya Axel katulad ng pagkagulat ko. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking nang hila sa kanya noon, ang lalaking nanghali

