Chapter 63 Sky's Pov: Matapos ang tawag sa akin ni mama,hindi na ako tumuloy pa sa pagpasok sa aking mga klase at mas pinili ko na lang ang magpunta sa ospital kong saan ang sinabi ni mama. Patakbo akong lumabas ng gate at pumara ng taxi. Agad namang may tumigil na taxi sa aking harapan at dali dali akong pumasok sa loob. Nang masabi ko sa driver kung saan ako pupunta, agad niyang pinaharurot ang kanyang minamaneho dahil na rin sa utos ko. Habang ako ay nasa byahe, hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung ano ano. Hindi ko alam at wala akong ideya sa sinabi ni mama sa akin na delikado raw ang lagay ni Kuya Axel. Sa hindi ko inaasahan, naramdaman ko na lang ang pagbuhos ng aking mga luha. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Nang makarating ako dito sa harap ng osp

