Chapter 50 Pagkatapos naming kumain, Agad kaming umalis dito sa kainan. Sina Jake at Ali ay bumalik sa dagat para maligo habang sina Kuya Keith at Kenn naman ay mamasyal lang daw. " Saan tayo ngayon LoKo?" Tanong ko sa kanya. Humiwalay kasi kaming dalawa ni LoKo sa kanila. Hindi ko namang gusto na maging pabigat o istorbo na kahit sinong lovers kaya mas nanaisin ko pang kasama na lang si LoKo. " Punta muna tayo sa ating kwarto..napagod kasi ako sa byahe eh." Ssagot niya sa akin. Pumayag na rin ako sa kanyang sinabi kasi sa totoo lang pagod din ako. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa aming kwarto. Pagpasok namin sa loob, tumambad sa akin ang mga gamit ni LoKo na nakapatong sa aming kama. Ibig sabihin hindi pa siya nakakapag-ayos ng kanyang mga gamit? sino ang hinihintay niyang ma

