Chapter 51 .... Pagmulat ko ng aking mga mata ay agad kong napansin ang matigas na tumutusok sa aking tagiliran, Naramdaman ko rin ang mabigat na pagkakadagan ng isang paa ni LoKo sa aking tiyan. Napabuntong hininga na lang ako sa aming pwesto. Niyugyog ko siya habang natutulog para gisingin. Hindi ko na lang pinapansin ang tumutosok sa aking tagiliran kong ano man yan bagay na yan. " Kuya...gising na." Bulong ko sa kanya ngunit nahinang ungol lamang ang kanyang naging sagot. Dahan dahan kong tinanggal ang kanyang paa na nakadagan sa aking tiyan at agad na tumayo sa kama. Deretsyo ako sa banyo para makapaghilamos. Pagbalik ko, Tulog pa rin si LoKo. Siguro ay napagod talaga siya sa naging byahe niya kaya siya ganyan. Napatingin ako sa orasan na nasa dingding ng kwarto. Mag-aalas syete

