"SIGE po, Mama. Aalis na po ako," pamamaalan ni Yssabelle sa Mama niya ng bisitahin niya ito sa puntod nito na nakahimlay sa isang public cemetery sa lugar nila. Pagkatapos niyang paalisin ni Tito Ogie sa pamamahay nito ay dumiretso siya sa puntod ng ina. Magatal-tagal na din kasi simula ng bisitahin niya ito sa puntod nito. Baka mamaya ay magtampo ang Mama niya sa kanya dahil hindi niya ito dinadalaw. Saglit siyang tumitig sa pangalan nitong nakasulat sa lapida. At habang nakatitig siya doon ay naramdaman na naman niya ang pamamasa ng magkabilang mga mata. She missed her mother so much, nami-miss niya iyong mga panahon na kasama niya ito sa hirap man o sa ginhawa. Kahit na mahirap lang kasi ang buhay nila noon, kahit na silang dalawa lang ay masaya pa din sila ng Mama niya. Ramdam din

