SUMILAY ang matamis na ngiti sa labi ni Yssabelle nang makita niya ang kaibigang si Tanya na pumasok sa loob ng fastfood chain na kinaroroonan niya ng sandaling iyon. Napansin nga din niya na nagpalinga-linga ito sa paligid, mukhang hinahanap siya nito kung saan siya nakaupo. Nakangiting itinaas naman niya ang kamay para makita siya nito. Tumigil naman ang tingin nito sa gawi niya. At napansin niya ang pagsilay din ng ngiti sa labi nito nang makita siya nito. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng lumapit ito sa kanya. Pagkatapos nilang bisitahin ang site kung saan pinapatayo ang resort ni Trent ay niyaya na siya nito na umalis na doon. Akala niya ay babalik na sila sa Manila pero hindi pala. May imi-meet pa daw itong isang investor doon, hindi lang pala ang pagbisita s

