NAG-ANGAT ng tingin si Yssabelle nang maramdaman niya ang pagpasok ni Trent sa kwarto. "Are you ready?" tanong ni Trent sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Tumango naman siya bilang sagot. "Oo," wika niya dito. Pagkatapos niyon ay umalis siya mula sa harap ng salamin na nasa loob ng kwarto. Dinampot na din niya ang cellphone at bag niya na nakalapag sa ibabaw ng kama at saka siya lumapit kay Trent. "Tara na?" sabi naman niya dito. Isang tango lang naman ang isinagot ni Trent sa kanya. Lumabas na ito sa kwarto na agad naman niyang sinundan. Tuloy-tuloy naman sila sa paglabas ng condo nito hanggang sa makarating sila sa parking lot kung nasaan ang kotse nito. Nakita din niyang nasa labas si Manong John, mukhang hinihintay na sila nito. At nang makita sila nito ay agad sila n

