INILABAS ni Yssabelle ang listahan ng bibilhin niya sa Grocery store. Balik na ulit kasi si Sir Trent sa condo nito. Dalawang araw lang kasi ito na nanatili sa mansion at pagkatapos niyon ay bumalik na ito sa condo. Nanatili lang pala ito do'n para makapagpahinga. May ni-request din si Sir Trent na gusto nitong ipabili sa kanya. Mga gulay at isda naman iyon. Mukhang ang mga iyon ang gusto nitong ipagluto kapag nag-crave ito sa mga lutong bahay. Kumuha naman na si Yssabelle ng basket at dumiretso na siya kung saan matatagpuan ang section ng mga gulay. Kinuha naman niya ang mga kailangan niya pero tiningnan niyang mabuti ang gulay na pinipili kung may mga bulok na do'n. Mahal pa naman ang mga gulay do'n. Isang piraso nga lang, katumbas na ng isang kilo ang presyo niyon sa lugar nila. K

