BUMALIK na si Yssabelle sa mansion nang malapit nang mag-alas sais ng gabi. Kailangan na din kasi nilang maghanda para sa magiging dinner ni Sir Trent at dinner na din nila. "Hintayin mo ako, Yssabelle." Mayamaya ay napahinto siya sa paglalakad ng marinig niya ang boses na iyon ni Anna. Lumingon naman siya kay Anna at nakita niya na naglalakad ito palapit sa kanya. Hindi naman niya napigilan na mapatitig dito nang makita niya nag-ayos ito, napansin niyang naka-headband ito at napansin din niyang nag-liptint ito. Hindi naman na siya dapat nagtaka kung bakit ganoon ang ayos nito sa sandaling iyon. Siyempre, nandoon si Sir Trent na crush nito. "Tara?" yakag na nito sa kanya ng tuluyan itong nakalapit. Tumango naman siya bilang sagot. Pagkatapos niyon ay nagpatuloy na sila sa paglalakad

