NAPATITIG si Yssabelle sa sariling repleksiyon sa salamin sa maliit na hotel na tinutuluyan pagkatapos niyang umalis sa condo ni Trent. Hindi kasi niya alam kung saan siya pupunta kaya naisip muna niyang mag-hotel muna hanggang sa hindi pa siya nakakapag-isip kung ano ang gagawin niya. At hindi napigilan ni Yssabelle na mapakagat ng ibabang labi nang makita niya ang namumugtong mga mata niya ng sandaling iyon. Namumugto iyon dahil sa walang tigil na pag-iyak niya dahil sa pag-alis niya sa condo ni Trent, dahil sa pag-alis niya sa buhay nito. Gaya kasi ng sinabi niya ay ayaw niyang ipagsisikan ang sarili dito, ayaw niyang ipagsisikan ang sarili sa taong ayaw sa kanya, sa taong hindi naman pala siya mahal. Dahil sarili lang din niya ang masasaktan kung ipipilit pa din niya ang sarili dito

