PASIMPLENG sinulyapan ni Yssabelle sa Trent sa kinauupuan nitong swivel chair kung ano ang ginagawa nito. Napansin niyang nakatutok ang atensiyon nito sa hawak nitong mga folder, mukhang seryosong-seryoso ito sa ginagawa dahil napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito ng sandaling iyon. Hindi naman napigilan ni Yssabelle ang mapanguso dahil mukhang abala si Trent sa pagta-trabaho pero samantalang siya ay walang masyadong ginagawa. Tapos na kasi niyang i-sort ang mga dokumentong pinapagawa nito sa kanya. At pagkatapos niyon ay wala na itong inutos sa kanya. Naghihintay nga siya na may ipag-uutos itong muli sa kanya pero naghintay siya sa wala. Inalis naman ni Yssabelle ang tingin kay Trent. Isinandal niya ang likod sa headrest ng swivel chair at hindi din niya napigilan ang mapa

