Chapter II

1692 Words
LETIZIA Tatlong taon na kami ngayon ni Paulo. Pero sinira niya yon. Tiniis ko lahat dahil mahal ko siya pero itong nangyari samin ngayon ay hindi ko na kinaya. Iniwan ko siyang mag isa sa hotel kung saan niya ako sinurpresa pero pag katapos non ay binalak niya akong pag samantalahan dahil sa Hindi ko pag payag na may mangyari saamin. nag mamakaawa ako na tigilan na niya ang ginagawa niya sakin pero parang wala itong naririnig... humagulgol nako sa iyak at kahit anong laban ko ay di umubra dahil sa lakas nito. natauhan naman ito nang hindi nako nag pumiglas pa at sa tahimik kung pag iyak.. "Babe, I love you so much! I'm sorry, di ko sinasadya." niyakap ako nito at paulit ulit na humihingi nang tawad. kumalas ako sa pag kakayakap nito sakin at nasampal ko ito. "Pau please lang, hayaan mo na akong umalis kung ayaw mong malaman to ng family natin!" wika ko Kinuha ko ang mga gamit ko at inayos ang sarili ko. Hindi ko na siya nilingon pa tsaka na ako umalis nang hotel kung nasaan kami. Nang maka sakay nako sa kotse ko ay bigla na namang bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na yon dahil sa sobrang sakit ng pakiramdam ko. Nang mapadpad ako sa may gimikan. Sakto may event doon kaya may pa live bands.. Naisipan kung dumito muna at uminom nalang ng alak.. Nag pwesto ako sa sulok at umorder na ng alak at tinungga ang mga yon. muli ko namang dinial ang number ng bestfriend ko na si karlo at sumagot na ito. "Bro I need you.." bungad ko rito habang umiiyak ako "Hey anong nangyari? bakit umiiyak ang baby girl ko?" biro pa nito "Si pau... muntik na niya ako pag samantalahan....." sumbong ko dito habang patuloy ako sa pag iyak ko. narinig ko naman na napamura ito. "Zia nasan ka?!" galit na tanong nito sakin at sinabi ko na kung nasaan ako.. iyak pa rin ako ng iyak nang makarating si karlo kung nasaan ako. niyakap lang ako nito at lalong lumakas ang pag iyak ko.. "Shhh tahan na." sabay hagod sa likod ko at hinayaan niya lang ako sa pag iyak ko. maya maya pa ay hinarap na niya ako sakanya at doon ko na kinwento kung anong nangyari. "Matagal ko na kasing sinabi sayo na hiwalayan mo na yang gagong yan. wag mo irason sakin na mahal mo at matagal nadin kayo kasi maling mali na pag buhatan ka niya ng kamay tapos ano? ngayon ganiyan pa ginawa sayo! kung talagang mahal ka niya hindi ka niya sasaktan at rerespetuhin ka niya!" Sermon pa nito saakin at hindi nako nakipag talo pa sakanya at sinamahan nalang din niya akong uminom nang alak. maya maya pa may lalaking lumapit samin na kilala pala ni karlo.. habang nag uusap sila ay tahimik lang ako at bigla nalang tumutulo ang luha ko. "Akala ko nag chichix ka dito eh" nang marinig ko ang sinabi nito ay sinamaan ko ito ng tingin. hindi na ito umalis sa pwesto namin at umiinom nadin ito ng alak naririnig niya din lahat ng pinag uusapan namin ni karlo at kitang kita niya din ang pag iyak ko. pag katapos namin mag usap ay sila naman ang mag kukwentuhan. maya maya pa ay pinalipat niya kami ng pwesto inaya naman ako ni karlo at sumunod nalang ako dito. nang makarating kami sa harap ay umakyat ito ng stage.. Doon ko lang napansin na gwapo pala ito, kahit napaka seryoso ng mukha nito. Ininom ko ang alak na nasa baso at pag katapos ay nilaro ang yelo nito gamit ang daliri ko. Wala akong naririnig dahil wala akong pakialam sa paligid ko tanging Nasa isip ko lang ay si pau.... "This song is for you z..." nang marinig ko ang sinabi niya ay napatingin ako dito.. biglang tumugtog ang Isa sa favorite song ko ng maroon 5. at nag simula na itong kumanta biglang bumilis ang t***k ng puso ko.. bakit gwapong gwapo ako dito? Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ang galing niya'ng kumanta!! yung mga mata niya'ng mapungay gustong gusto ko titigan.. patuloy lang ito sa pag kanta at diko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. si karlo nandiyan parin para I-comfort ako.. Nang matapos nadin ito sa pag kanta. nag pasalamat naman ako dito dahil sa pag alay nito sakin ng kanta at biniro pa ako nito at ngumiti nalang ako sakanya. maya maya pa ay naiwan ako mag isa sa pwesto namin ni karlo nakita ko naman sila dika layuan at nag uusap. inaantok na ako at masakit na ang ulo ko dahil sa dami nang alak na nainom ko yumuko nalang ako at diko namalayang naka tulog na pala ako. Nang marinig ko ang boses ni karlo ay nagising ako. at sinabi nitong pinapayagan na niya ako sa gusto ko kaso kasama ko dapat ang kaibigan niya. kumontra pa ako nung una pero wala din akong nagawa at pumayag nako sa gusto niya. Naisip ko na okay din pala na may kasama ako sa biyahe kaysa sa ako lang mag isa at ayaw ko namang pag alalahin ang kaibigan ko. maya maya pa ay nag paalam na saamin si karlo. naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya ako masasamahan dahil sa may asawa at anak na ito. pero kahit na may pamilya na ito ay lagi parin siyang nandiyan pag kailangan ko siya... Nag paalam naman sakin saglit si jon. nag paalam lang ito saglit sa mga kasama nito at bumalik din agad. "Let's go!" Nagulat naman ako ng may mag salita sa likod ko.. tumayo naman ako agad at binigay ang susi ng sasakyan ko, napansin din nitong hawak ko ang ulo ko at pasuray suray ang lakad ko at inalalayan naman ako nito kaagad. Parang may kung anong kuryente na dumaloy sa katawan ko dahil sa pag hawak nito sa bewang ko pero patay malisya at hinayaan ko nalang ito. Nang mahanap namin ang kotse ko ay agad naman akong pinag buksan ng pintuan nito. "Thanks" wika ko at tumango lang ito. Inayos ko ang upuan ko para makahiga ako. Nagulat naman ako ng ayusin niya ang seat belt ko ang lapit namin sa isa't isa. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Saan nga pala tayo pupunta?" tanong nito at lumayo agad at inistart ang sasakyan. inabot ko naman ang cell phone ko at sinet doon ang waze patungo sa batangas. Naka tulog ako sa sobrang sakit ng ulo ko at tahimik na biyahe namin.. Naka hinto ang sasakyan ng magising ako. "Huminto muna ako para bumili ng coffee inantok kasi ako bigla sa biyahe natin." wika nito. na guilty naman ako sa ginawa kung pag tulog. "Sorry naka tulog ako, gusto mo palit tayo?" pag prisinta ko na ako nalang ang mag maneho "Hindi na ako nalang.." wika nito "Gusto mong coffee? Share nalang tayo kung gusto mo isa nalang kasi ang naabutan ko." dagdag pa nito Umayos naman ako ng upo at tumango at agad naman nito inabot ang coffee na iniinom niya. "Dahan dahan mainit pa." wika nito at tumango nalang ako. Nabuhayan naman ako ng maka ilang higop ako at binalik na ulit sakanya. "Thank you." wika ko at ngumiti sakanya ngumiti din naman ito pabalik sakin. maya maya pa ay nag biyahe na kami ulit. Wala na namang nag sasalita sa amin. tahimik lang kaming dalawa nag papa kiramdaman. at pinag masdan ko ito habang nag mamaneho. "Hindi kaya magalit sa atin ang girlfriend mo?" wika ko at ngumisi naman ito. "Kung may girlfriend man ako, sigurado hindi ako ang kasama mo." seryoso nitong sambit. "Okay... Parents mo? Dika ba hahanapin?" Tanong ko ulit dito "Nasa States sila at nag text na din naman ako sa ate ko." anito at tumango nalang ako at nag play ng music. Playlists ng Silent Sanctuary ang pinlay ko... Paalam Paalam na sa ating pag-ibig Na minsa'y pinag-isa Paalam na sa mga pangakong 'Di na mabubuhay pa Kung may bago ka nang mamahalin 'Wag kang mag-alala ako ay masasanay rin Parang kahapon lang tayo'y magkasama Naging isa na s'yang alaala Mula ngayon araw-araw ng mananalangin Na sana'y lagi kang masaya Paalam na sa ating pag-ibig Na minsa'y pinag-isa Paalam na sa mga pangakong 'Di na mabubuhay pa Paalam na Sa mga yakap at halik Sa tamis at pait Bakit hinayaan? Sinayang ko lang Ang iyong wagas na pag-ibig 'Di na kita kukulitin Paalam na sa ating pag-ibig Na minsa'y pinag-isa Paalam na sa mga pangakong 'Di na mabubuhay pa Paalam na sa ating pag-ibig Na minsa'y pinag-isa Paalam na sa mga Hindi ko namalayang umiiyak nanaman pala ako. walang tigil sa pag patak ang luha ko habang malayo ang tingin ko sa daan. Nagulat nalang ako ng mamatay ang music. pinatay ito ni jon na sobrang seryoso ng mukha nito. naramdaman ko ang palad niya sa mukha ko na kina gulat ko, pinunasan niya ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko. habang seryoso siyang naka tingin sa daan.. "Stop crying please." wika nito sabay ginulo ang buhok ko at hinampas ko naman ito. "Matulog ka nalang kaya ulit?" wika nito at tinaasan ko ito ng kilay.. "Sige na matulog kana kesa iyak ka ng iyak jan. gigisingin nalang kita pag malapit na tayo." anito at hindi ko na ito pinansin at maya maya pa ay naka tulog na ulit ako... Ramdam kong may humawak sa mukha ko ng marinig ko ang pangalan ko at nagising ako. "Z, malapit na tayo.." wika nito at tumango naman ako.. Nang marating namin ang resort ay kaagad na kaming pumasok. bago pa ko bumaba ng sasakyan ay hinanap ko muna ang shades ko at sinuot ito para matago ang pamamaga ng mata ko. nakita ko naman ang itsura ng kasama ko nag tataka dahil madilim pa ay naka shades nako. Hindi ko nalang ito pinansin pa at nauna na ako sa loob at naka sunod naman agad si jon. Nag pa assist naman ako agad sa mga staff doon para sa room na pina booked ko sana para samin ni pau...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD