Chapter III

1105 Words
.... "Hi I'm Letizia Baltazar, ako yung nag pa booked last two weeks.." wika ko at inabot ang I'd ko. "Ah okay wait lang po ma'am check ko lang po.." sagot nito at tumango lang ako "Kayo po yung nag pa booked for anniversary? Tama po ba?" tanong nito "Yes" tipid kong sagot dito at binati pa kami ni jon na akala ito ang ka anniversary ko. narinig ko namang nag thank you rin ito. "Enjoy ma'am and sir ito po ang susi ng kwarto niyo.." at kinuha ko naman ito at nag tungo ng kwarto.. Nasa likod ko si jon walang imik. nang marating na namin ang kwarto dapat samin ni pau ay naiyak nanaman ako... Hindi ko na napigilan ang mga luha kung kanina pa gustong kumawala nang makita ko ang pina set up ko .. Punong puno ng petals ang kama, nag Kalat din ang balloons na iba't ibang kulay at may naka sabit pa na Happy 3rd Anniversary... Nang hina ako bigla at di na kinaya ng tuhod ko kaya bumagsak nalang ako sahig.. Nung mga oras na yon tanging iyak at sigaw ko nalang ang naririnig sa kwartong iyon. naramdaman ko namang may yumakap sakin na mas lalong kinalakas ng pag iyak ko. Inabutan naman ako nito ng panyo habang patuloy sa pag hagod ng likod ko. Walang nag sasalita sa aming dalawa at maya maya pa ay kumalas nadin ito sa pag kakayakap sakin. Tumayo nadin ako para humiga sa kama dahil sa pakiramdam kung pagod ang buong pag katao ko. Inalalayan naman ako nito.. "Thank you." wika ko pero wala na akong narinig pang sagot dito. Nakatulog ako sa sobrang pag iyak ko at hapon na ng magising ako. Nang mapansin kung wala ang kasama ko. Napag pasyahan kung lumabas muna at mag lakad lakad sa tabing dagat. Umupo ako sa buhangin at sumandal sa puno, malayo ang tingin habang hampas lang ng mga alon ang tanging naririnig ko. Maya maya pa naramdaman kung may umupo din malapit kung nasaan ako.. "Kanina ka pa ba nandito?" Wika nito at nalaman kung si jon pala ito. "Hindi naman." tipid kung sagot dito. "Gusto mo bang kumain?" wika pa nito "Ayoko, Wala akong gana.. Full name mo pala?" Tanong ko dito ng hindi ko ito tinitignan "Damien Jon Saavedra" Sagot nito at tumango naman ako. "Hmmm.. nag mahal kana ba ng sobra?" tanong ko dito. "Oo naman." Sagot naman nito "Masakit din ba?" tanong ko ulit dito at natawa naman ito. "Hindi ka nagmamahal kung Hindi ka masasaktan." wika nito na kinatawa ko "Paano ako? Physically and emotionally ang pinadama niya sakin. Siguro kaya ganun, kasi sobra sobra ang pag mamahal na binigay ko sakanya." wika ko "Emotionally normal lang naman na maramdaman natin yan lalo na't nag mamahal tayo. pero yung ginagawa ng boy friend mo sayo maling mali." wika nito "Kung totoong mahal ka niya sana nirespeto ka niya at di sinasaktan." dagdag pa nito at tumango tango naman ako at naramdaman ko nanaman ang pag init ng mga mata ko at tuluyang bumagsak ang mga luha ko. "Kasalanan ko din siguro, nag kulang din ako. Masaya parin siguro kami kung binigay ko yung gusto niya at di na kami umabot sa ganito." wika ko "Hindi kasalanan na hindi mo pa kayang ibigay ang buong pag katao mo. Dapat naintindihan niya yon at nirespeto niya yon kasi mahal ka niya." wika nito "Hindi ko akalain na magagawa niya yon." wika ko at hindi ko na napigilan ang pag iyak ko Naramdaman ko naman ang pag lapit nito sakin. Inangat nito ang mukha ko at hinarap sakanya, pinunasan nito ang mga luha ko sa pisnge at hinayaan ko lamang ito. "Thank you." Mahina kung sambit dito at ngumiti naman ito bago sumagot "Wag ka na umiyak sayang ganda mo." wika nito na kinatawa ko Maya maya pa biglang may nag ring.. phone pala ni DJ at si karlo ang tumatawag.. "Bro si zia?" Bungad ni karlo, naka loudspeaker kaya dinig ko iyon "Kasama ko parin naman bro." Sagot nito "Daanan niyo ako dito sa bahay. Umalis na kayo jan, dahil hinahanap na sakin si zia." sasagot pa sana si DJ ng mamatay na ang call "Let's go?" aya nito sa akin at tumango naman ako.. Kinuha lang namin ang gamit namin at umalis na sa resort na yun. Si DJ parin ang nag maneho pauwi at hinayaan ko nalang ito.. Feeling ko tuloy matagal na kaming mag kakilala. Hindi ko alam, Hindi ko din maintindihan ba't ang panatag ng loob ko sakanya.. Sandali lang ang naging biyahe namin dahil sa walang traffic. Tanaw ko na ang kaibigan ko at ang asawa nito na si bey na nag hihintay sa amin sa labas ng gate nila. Agad naman bumusina si DJ ng makadating kami sa mga to. "Ahhh, DJ sa likod ka muna si karlo muna ang mag mamaneho." wika ko at sumunod naman ito. Umalis na kami agad nang makasakay sila. Walang nag sasalita sa amin kahit na kumustahin ako ay wala akong narinig mula sa kaibigan ko o asawa nito. "Bro bakit kailangan niyo pa ako ihatid ni bey?" tanong ko na halong pag tataka. "Ahhh, Basta.." Tipid na sagot nito at hindi na ako nag tanong pa dito. Nang makadating kami sa bahay parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. Pag pasok palang namin sa gate iba na ang naramdaman ko ang weird ng kaibigan ko. Ano ba kasing meron? Pero bakit ako kinakabahan? Dumiretso na ako sa loob at nauna na sa mga kasama ko. Nang makadating ako sa sala Nandoon ang kuya at ang asawa nito pati si daddy nakaupo sila sa sofa, nagulat naman sila sa pag dating ko at agad akong sinalubong ni daddy. Napansin kung namamaga ang mga mata ng mga ito. Kinakabahan na ako sa mga oras na iyon. Ayokong isipin na tama yung naiisip ko... "Si mama? Umiyak ba kayo? Bakit ganiyan ang mga itsura niyo?" Sunod sunod kung tanong at niyakap na ako ni daddy "Wala na ang mama." wika ni kuya Lorenzo sabay nag iyakan na ang mga ito. "Anong wala na si mama? Saan siya pumunta?" wika ko na may halong pag tataka "Baby, I'm sorry. patay na ang mama.." Parang nabinge ako sa narinig ko hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. "Heart attack." Mahinang sambit nang daddy ko. Namanhid na ata ako sa sakit na kahit mga luha ko ay ayaw nadin lumabas.. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko at wala nadin akong naging sagot sakanila. kumalas ako sa yakap ng daddy ko at dumiretsong nag tungo sa kwarto ko na parang walang narinig...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD