Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko, habang naka titig sa kisame at hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko. paulit ulit kung naririnig ang sinabi nilang patay na si mama..
Bakit parang ang bigat? Bakit parang sobra naman yata to? Bakit hindi nalang ako? Bakit si mama pa? Paulit ulit na tanong ko sa utak ko.
Ang sakit hindi ko na maintindihan yung sakit na nararamdaman ko parang mababaliw na ata ako...
Ang sakit na ng mga mata ko sa walang tigil kung pag iyak at hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako.
Nasa kama ko si karlo at si bey nang magising ako. Agad naman akong umupo at niyakap naman ako agad ni karlo. "Condolences" wika ng mag asawa at tumango lang ako. Tumayo na ako sa kama ko at naisipan kung maligo na.
Pag tapos ko maligo ay nag bihis na ako. Black dress at flat sandals lang ang suot ko at nag nude lipstick lang ako tsaka ko ulit sinuot ang black shades ko kahit gabi na para matago lang ang pamamaga ng mga mata ko.
Alam kung hinihintay na ako nila karlo kaya ng matapos ako mag ayos ay agad ko na silang inaya at nag tungo na kami kung saan naka burol ang mama ko.
Tahimik lang kami sa sasakyan at alam kung pinakikiramdaman lang nila ako.
Ramdam ko din ang pag aalala nila sakin..
Madami ng sasakyan at tao sa labas kung saan naka burol ang mama ko. Nakita ko DJ na nasa labas naka sandal sa kotse nito. "Bro bakit nandito si DJ?" wika ko. "Sinong DJ?" anito "Si Jon yung kaibigan mo." sagot ko. "Ahh Nakikiramay. Dina kasi nakapag paalam sayo kanina kaya punta nalang daw siya malapit lang din naman siya dito." wika nito at tumango nalang ako.
Sinuot ko lang ang sling bag ko at bumaba na kami sa sasakyan ko.
Nang makita kami ni DJ ay lumapit nadin ito sa amin. "Kanina kapa bro?" Tanong dito ni karlo. "Halos kadarating ko lang din bro. Inaantay ko talaga kayo dumating nahihiya kasi ako pumasok." wika nito at nang mapansin ako nito "Condolences pala z..." wika nito
"Thank you, Tara pasok na tayo." wika ko at aya ko sa mga kasama ko.
Pag pasok namin sa loob ang dami ng tao, ang daming nakikipag lamay. hindi ko na din nga kilala yung iba pang tao na nandito.
Umupo lang ako sa harap malapit kung saan naka himlay si mama. Hindi ko pa magawang silipin siya, sa likod ko naman doon naka upo sila karlo..
Tama ba tong na puntahan ko? Nasan Ang kuya at ang daddy? Bakit Hindi ko Sila makita. tanong ko sa isip ko..
Tahimik lang ako sa pwesto ko. Wala akong kinikibo hindi ko nga alam kung may pumansin o kumausap ba sakin na hindi ko alam? dahil nakatingin lang ako sa kabaong kung saan nandoon ang mama ko. Wala din naman akong balak makipag usap kahit kanino.
Maya maya pa nakita ko ang pag lapit nang daddy at kuya Lorenzo kung nasaan ako naka pwesto. pero diretso lang ang tingin ko kung nasaan ang mama.
Nang mapansin kung lumuhod si daddy sa harapan ko. kita ko din ang bukas sara ng bibig nito. pero bakit parang Wala akong naririnig. ramdam ko din ang pag tabi sa akin ng kuya ko at pag akbay nito sa akin. Habang diretso parin ang tingin ko..
Ramdam ko na ang pag patak ng mga luha ko at pag yakap sakin ni daddy. Alam kung kanina pa nila ako kinakausap pero hindi ko parin magawang sumagot o mag salita...
Kumalas ako sa pag kakayakap sa akin ni daddy, Tumayo ako at nag tungo kung nasaan naka himlay ang mama ko. ramdam ko din na sinundan ako ng mga ito.
Nang makita ko si mama sa loob ng kabaong na yon doon ko na realize na wala na talaga siya.. Wala na ang mama...
Bakit ngayon pa nangyari to..
Bakit agad mo naman kaming iniwan...
Hindi pa ako nag hihilom tapos ngayon ganito naman? Ang sakit sobra!
Bakit hindi nalang ako ang humiga diyan? Bakit kailangan Ikaw pa? kawawa naman si daddy iniwan mo siyang mag isa... Dapat ako nalang.....
niyakap ko ang puting kabaong niya at umiyak na ako ng umiyak. pilit akong pinapa kalma ni daddy pero wala siyang magawa. rinig ko din ang boses ni kuya lorenzo at karlo.
Iyak at pag tawag ko sa mama ko ang tanging lumalabas sa bibig ko. paulit ulit na sambit ko, Wala nadin akong naririnig sa paligid ko kundi ang sarili ko.
Nag halo na ang luha at sipon ko,
Sobrang sakit na ng mata ko at ramdam ko nadin ang pag sikip ng dibdib ko. hirap na akong huminga dahil sa sobrang pag iyak ko. Hindi ko nadin maramdaman ang mga paa ko.
Nanlalambot nadin ang mga tuhod ko..
Parang may naka sakal sa leeg ko,
Hirap na akong huminga ang sikip ng dibdib ko. hinahabol ko na ang pag hinga ko pero pa tuloy ako sa pag iyak ko. ramdam kung natataranta na yung nasa paligid ko. "Zia" ang tanging naririnig ko.. paulit ulit Hanggang sa bumagsak na ang katawan ko at nawalan na ako ng malay...
Sobrang bigat ng mga mata ko hirap akong idilat ito, Nagising ako na nasa tabi ko si daddy na hawak hawak ang kamay ko. Nandito rin si karlo, si bey, si dj at si pau na nakaka pasok lang sa kwartong iyon at papalapit ito kung nasaan ako nakahiga.
Galit at takot nanaman ang naramdaman ko ng makita ko ang lalaking to. Alam kung tumutulo nanaman ang luha ko. gusto kung mag salita pero walang lumalabas sa bibig ko. pinupunasan naman ni daddy ang luha ko at pilit akong pinapatahan nito.
Nagmano si paulo kay daddy, nag uusap sila pero para akong bingi na wala akong marinig.. Hinalikan naman ni daddy ang kamay ko bago ito tumayo at lumabas na. may sinasabi siya pero wala akong marinig pati ang katawan ko hindi ko din magalaw ito.
Nakita ko naman ang pag lapit ni karlo sakin nang makita niya ang pag labas ni daddy. Umupo naman ito sa tabi ko at sa kabila ko naman si paulo pumwesto..
Hinawakan ni pau ang kamay ko pero tinanggal ko din ito. Patuloy parin sa pag tulo ang mga luha ko.
Pilit akong inaaro nito pero hindi ko ito pinapansin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng yakapin ako nito. Nagulat naman lahat ng kasama ko sa kwarto nang sumigaw ako na saktong pag pasok ng kuya ko.
Naalala ko ulit yung gabing muntik na akong pag samantalahan ni pau.
Nanginginig ako sa takot at galit ngayon.
Pilit parin akong sinusuyo nito at humihingi ng tawad. Umiiyak ito at lumuhod ito sa harap ko, hinawakan nito ang kamay ko pero binawi ko din ito.
Nag tataka na ang kuya ko sa nakikita nito pilit siyang nag tatanong pero wala itong makuhang sagot.
"Tama na please." mahina kung sambit dito.
Tumayo ako at kinuha ang susi ng sasakyan ko tsaka na ako umalis.
Dinig ko parin ang pag tawag nila sakin pero diko na sila pinansin pa.
Nang marating ko ang sasakyan ko agad na ako pumasok dito at inistart agad ito. paalis na ako ng may biglang kumatok,
Si DJ pala.. agad ko naman inunlock ang sasakyan at pinapasok ito.
Hindi ko alam kung saan pupunta halos paikot ikot nalang kami, Walang nag sasalita sa amin feeling ko tuloy ako lang ang mag isa. maya maya ay hininto ko ang sasakyan malapit sa plaza.
Inayos ko ang upuan ko at sumandal ako dito. "Alam mo pagod na ko.." nagulat naman ito ng mag salita ako. umayos naman ito sa pag kakaupo at nag hihintay ulit ng sasabihin ko. "Pakiramdam ko mababaliw na ako.. Pinaparusahan ba ako? Pero bakit? Ano bang ginawa ko? Sana ako nalang yung naka higa doon at hindi si mama..." wika ko
Ang dami kung tanong kung bakit ganito yung nangyayari pero wala akong makuhang sagot. Wala naring luhang lumalabas sa mga mata ko.
Pakiramdam ko pagod na pagod ang buong pag ka tao ko.
"Hindi ko alam kung anong isasagot ko sayo pero gusto ko lang malaman mo na maraming nag mamahal sayo sana makita mo yon." wika nito
"Thank you, tara sa plaza." aya ko dito
at tumango naman ito.
Kahit na gabi na ay maliwanag parin dito at madami rin tao na naka tambay rito.
Naupo kami sa bakanteng upuan doon at wala nanaman sa aming dalawa ang nag salita. tamihik lang kaming dalawa habang pinag mamasdan ang mga tao sa plaza. maya maya ay inabot nito sa akin ang isang pares ng ear phone niya kinuha ko naman ito at sinuksok sa tenga ko.
Tahimik lang kami habang nakikinig ng kantang pinakikinggan namin. maya maya pa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak nanaman ako. tinanggal ko ang ear phone sa tenga ko at binalik ito sakanya at pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko.
Nagulat naman ako nung iharap niya ako sakanya at binanggit yung last part ng kanta. "Cry 'cause I'm here to wipe your eyes." wika nito at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay nito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap ko ito, naramdaman ko namang niyakap din ako nito...
Ang tagal na namin na mag ka yakap Hindi ko alam pano kakalas. Bigla nalang akong nahiya at natawa. "Sorry, sobra na yata." wika ko at natawa din ito "Sorry din na enjoy ko masyado." wika nito at sabay kaming tumawa.
Ang gaan ng pakiramdam ko nung mga
oras na yon. parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Hindi pa kami ganon mag ka kilala pero sobrang panatag ako pag kasama ko siya....