Pinapasok nila ako sa loob ng bahay. Kahit kaibigan ko si Mateo ay hindi pa ako nakakapunta sa kanila. Ngayon pa lang ako nakapunta rito. Napaka-simple lang ng bahay. Sakto para sa isang maliit na pamilya. May dalawang kuwarto at may kusina mayroon din maliit na sala. Kaharap ko si Tito Mark at katabi ko naman si Mateo. Hindi ko alam kung sila lang dalawa rito o may kasama pa sila. "Paki-explain po ang lahat, Tito," sabi ko at nakita kong napa-ayos siya ng kan'yang upo. "Wait, what's happening, Pa?" tanong ni Mateo. "Kapatid mo siya, Mateo," sabi ni Tito Mark. "Paano po?" "I and Clarise, your mother had a past relationship before. We're a college lovers that time. Seryoso naman kami sa pag-aaral pero hindi namin naiwasan ang mapusok na pag-ibig. May nangyari sa amin pagkatapos ng

