Habang naglalakad ako sa hallway ng department namin ay pinagtitinginan ako. Naiilang ako, syempre. Gusto ko ngang tumakbo e. Pero hindi, hindi ko ginawa. Their eyes is on me because of the big announcement. Alam kasi ng karamihan ay girlfriend ako ni Bryan. Hindi ko sila masisisi kung ganito ang reaksiyon nila. "What's up, sis!" at bigla niya na lamang akong inakbayan. "Not in the mood," sabi ko at itinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Cheeyah, let's eat na lang?" pangungulit niya sa akin. Sakto naman at tumunog ang bell. Mabilis akong naglakad at pumasok na sa loob ng room. Dumating ang prof namin at nakinig na lang ako. Buong linggo ay ganon lang ang routine ko. Walang pagbabago at panay lang ang pangungulit sa akin ni Mateo. Alam kong ginagawa niya 'yon para magkasigla ako a

