Dumating na ang sundo namin at sabay na kaming pumasok ni Papa sa loob ng kotse. Nasa passenger seat siya at ako ay nasa backseat ulit. Inayos-ayos ko ang mukha ko at sinuklay gamit ang mga daliri ko ang aking buhok. Pagkatapos ay tumingin na lang ako sa bintana nitong sasakyan. Kahit matagal akong nasa ibang bansa ay hindi ko pa rin nakakalimutan kung saan ang village namin. Napatingin ako kay Papa nang tumigil ang sasakyan sa isang maliit na building, it's a single storey building. "Pa, where are we?" tanong ko sa kan'ya. Hindi niya ako sinagot at sinabihan lang ako na lumabas na muna kami. Lumabas ako ng sasakyan at hinintay si Papa. Nasa tabi ko na si Papa at naunang nang naglakad, sumunod lang ako sa kan'ya. Nagtaka ako kay Papa nang hindi niya pa binubuksan ang front door nito.

