Pabagsak akong umupo sa sofa rito sa bahay. Kakatapos ko lang mag-take ng Licensure Examination. Nakakapagod at nakakadry ng brain cells pero at least natapos ko rin. Maghihintay na lang niyan ako ng resulta. Napatingin ako kay Mama na pababa ng hagdanan. Tinawag niya rin kasi ang pangalan ko. "Ano po 'yon, Ma?" tanong ko. "Puwede ka bang mag-grocery? Wala kasi si Ate Cil mo, nagday-off siya 'di ba?" sabi ni Mama nang makarating na siya rito sa sala. Oo nga pala. Si Manang naman ay wala na rito. Tumigil na siya sa pagtatrabaho dahil sa tumatanda na nga siya. "Sige po. Ako na po ang bahala," sabi ko at tumayo na. Ibinigay niya sa akin ang isang papel. "Narito na lahat ang kailangan mong bilhin," sabi niya at kinuha ko naman ito pati na ang pera na pambayad. "Okay po. Alis na po ako

