Nakatulog kami rito sa sala. Dahan-dahan kong tinatanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin. Pero bigla na lang niya itong hinigpitan kaya wala na akong nagawa kundi ang titigan na lang siya habang mahambing na natutulog. Bigla akong napatingin sa kan'yang labi. Bahagya itong mapula-pula. Napalunok ako bigla, gosh nasa tamang pag-iisip pa ba ako? Ipinikit ko ang mga mata ko at nakanguso na rin ang labi ko. Handa na sana ako nang bigla may humalik sa akin. Siya ang humalik! Idinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakapikit na siya ulit. Pinitik ko ang noo niya dahil alam kong nagkukunwari lamang siya. Gising na siya e! "Wake up! Magkape na tayo," sabi ko at iminulat na niya ang mga mata niya. Ngumiti siya sa akin, "Good Morning, My Sunrise! Ang sarap pa lang gumising na may kasamang

