Itinigil ni Bryan ang sasakyan niya rito sa isang bahay na simple lang. Malayo sa bahay nila na mala-mansion ang laki. Hindi ko maiwasan na mapakunot ang noo ko. "Claire." Napatingin ako sa kan'ya nang tawagin niya ako. "Let's go," sabi niya at sumunod ako sa kan'ya. Pagkatapos niyang sabihin sa akin na itatanan niya ako ay hindi ako agad nakapagsalita. Ang sabi niya sa akin ay ipapaliwanag niya ang lahat kapag nakapunta na kami sa pupuntahan namin. At heto na nga, narito na kami. Nasa harap na kami ng front door nitong bahay. Kinuha ni Bryan ang susi sa bulsa niya. Hindi niya mabukas-bukas ang pintuan dahil siguro sa inis niya o baka hindi siya makapagconcentrate. Kinuha ko sa kan'ya ang susi at ako na ang nagbukas. "Thanks," aniya sa akin. Tumango lang ako at pumasok na kami sa lo

