Tinulungan ako ni Bryan sa pagliligpit siya ang nagdala sa dalawang basket habang ako ay ang blanket at ang tumbler. "Dala mo ba ang sasakyan mo?" tanong ko sa kan'ya habang papalapit kami sa sasakyan ko. "Hindi. Sasabay na ako sayo at ako na ang magda-drive," sabi niya at inilagay na sa backseat ang mga dala niya. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid nitong parking dahil hindi ako naniniwala na wala siyang dalang sasakyan. Naglakad siya ganon? Pero wala akong makitang ibang sasakyan kung hindi ang sa akin lang. "My Sunrise? Anong tinitingnan mo?" tanong niya at agad kong ibinaling ang tingin ko sa kan'ya. "Wala," sabi ko at inilagay na rin ang blanket at tumbler na hawak ko sa loob ng sasakyan. "Hindi ka naniniwala sa akin, 'no?" . Isinara ko na ang backseat ng sasakyan at huma

