Chapter Sixteen

3190 Words

          TILA nawalan bigla ng lakas si Musika matapos matanggap ang tawag mula sa kaibigan niyang Private Investigator.           “Mate, nasa akin na iyong mga kailangan mong information. Mabuti na lang may kaibigan ako na pulis doon kaya medyo napadali itong pinapahanap mo. Anyway, may kaso sa London itong si France del Mundo. Child Neglect and Child Abuse resulting to Homicide…”           “Homicide? Sigurado ka?” hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.           “Oo, napatay niya sa bugbog iyong anak niyang lalaki na si John Carlo Pangilinan. Nakulong na ‘yan, nakalaya lang pagkatapos gumamit ng koneksiyon iyong asawa. Hindi lang iyon, may kaso din siyang Kidnapping ng anak ng kapwa niyang modelo. Kamukha daw kasi ng anak ng kaibigan nito iyong namatay na anak nitong suspect.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD