“I… I’M SORRY…” Iyon ang mga tanging salitang lumabas mula sa bibig ni France nang makaharap ito. Nanginginig ang katawan sa galit nang tingnan ni Edward ang kaharap, habang nakaposas ito doon mismo sa loob ng kanilang headquarters. Namumula at namumugto ang mga mata niya dahil sa labis na pag-iyak bunga ng pagluluksa sa nalaman pagpanaw ni JC. Halos malamukos ang picture ng walang buhay niyang anak at nginudngod iyon sa mukha ni France. Nalaman na ni Edward ang buong katotohanan mula kay Musika, mula sa pagkamatay ni JC hanggang sa pagkidnap ng dating nobya sa anak ng kaibigan nito at sa pagtangka nitong paglason kay Cedrick Jones. Nang mga sandaling nalaman niya ang totoo at kung paano namatay si JC, pakiramdam ni Edward ay gumuho ang kanyang mundo, kasa

