CHAPTER SIXTY TWO [T]en Days Later KAGAYA ng ipinangako sa akin ni Grevan hindi ko alam kung paano pero nakita ng tauhan niya si Vince. Kinabukasan ng pagkawala ni Vince ay nakaparami na naman ang natagpuang mga bangkay na hinihinalang kagagawan pa rin ng kumakalat na killer. Mas lalong naging mahigpit ang seguridad sa Metro. Pinapasok na ang bawat sulot ng mga kanto, eskineta at mga bakanteng lote. Lahat ng posibilidad na pagtaguan o puntahan ng kriminal. Sa ngayon hindi pa rin talaga malinaw ang motibo ang nito at ang tanging malinaw sa lahat, mga kabaklaan ang pinupunterya nito. Maraming paalala na patuloy na ipinakakalat sa iba’t ibang social media platform. Sa mga balita, radyo at mga tabloid. Habang nababalot ng takot ang sangkabaklaan sa Metro, kabilang na rin ang lahat ng

