CHAPTER SIXTY THREE ISANG mahigpit na yakap ang isinalubong sa akin ni Sebastian Del Mundo. Hindi ko na lang iniinda ang sakit ng pagkakaipit ng aking mga pasa sa katawan. Napakahigpit na para bang matagal tagal na siyang nasasabik na muli akong makapiling. Damang dama ko ang pagkakaloob sa kaniyang matipunong pangangatawan. Ako ay patuloy na naguguluhan. Hindi ko na inaasa pa na sa ganitong paraan niya ako sasalubungin. Ilang araw na ba siyang narito? Kung talagang meron pananabik sa kaniya na muli akong makita o masama bakit hindi niya sinadyang kitaan ako. Isa siyang Salvatore, nagagawa ng isang Salvatore ang lahat ng naisin nito. “Akala ko hindi mo na ako gustong makita pa. Hindi mo alam kung gaano mo pinasaya ang araw ko ngayon.” Mahimig, malambing at may tono ng pag-aalala sa mg

