CHAPTER FIFTY FOUR KAHIT anong pilit sa akin ni James ay hindi ako sumama sa kaniya. Hindi ko alam kung anong natakbo sa utak ni Grevan sa mga sandaling ito pero tatlong araw na magkasunod mula noong inutusan niya si James na sunduin ako ay… palaging merong nagpapadala ng bulaklak sa akin at meron na akong tatlong naglalakihang teddy bears dito sa kwarto nila Vince. Hindi ko naman na matanggihan o maibalik sa kaniya dahil iniiwanan lang talaga rito sa apartment. Sa totoo lang nahihiya na ako sa boarders dito. Hindi ko naman itinatangging bakla ako pero hindi rin naman kasi talaga nila alam na bakla ako. Malamang ang iba iniisip meron akong sugar Daddy o worst meron akong sugar Mommy. “Bakit ka patuloy na pinadadalhan ng boss mo?” Pang-uusisa sa akin ni Vince. Ngayon lang din siya nag

