CHAPTER FIFTY THREE [P]HASE II [F]EBUARY 02 3:12 PM MAHIGIT dalawang Linggo na rin ang lumilipas. Tinulungan ako ni Vince at awang-awa siya sa naging kalagayan ko pero sinabihan ko siyang huwag babanggitin kahit kanino ang totoong nangyari sa akin. Dahil sa alam kong mapagkakatiwalaan ko naman siya ikinuwento ko na sa kaniya ang lahat-lahat ng nangyari sa akin simula noong pumasok ako sa Salvatore at nagtrabaho bilang isang ghost writer ni Gregor Yvan Salvatore. Napahiram niya ako ng pera at dahil sa hindi pa bumabalik iyong isa sa mga kasama nila sa apartment na tinutuluyan niya. Napakiusapan niya ang may-ari na roon muna ako hanggat hindi pa ako nakakahanap ng bago kong matutuluyan. Bumalik na rin naman ang sigla ko. Sinusubukan kong kalimutan ang lahat ng mga pinagdaan ko

