CHAPTER FIFTY TWO LUMUHOD ako at dahan-dahan kong inilapat ang aking mga palad sa sahig. Malamig. Makintab na halos nakikita ko ang repleksyon ko muna sa sahig. Nakatingin sa akin ang aking sarili. Alam ko ang aking ginagawa. Hindi ko kailangan kaawaan ang aking sarili sa mga sandalin ito. Ito pa rin ako---si Mico Del Rosario. Hindi ako iyong Mico na unang beses pumayag sa kaniyang kagustuhan matikman ko lamang siya. Hindi rin naman kasi talaga mag-ma-matter sa kaniya ang ginagawa kong ito. Ang alam kong maibibigay sa kaniya nito ay ang satisfaction niya para sa kaniyang sarili. Sinimulan kong gumapang na parang isang aso. Inuna ko ang aking kanang palad, kaliwang tuhod, kaliwang palad, kaliwang tuhod hanggang sa makarating ako sa tinutukoy niyang pintuan. Bahagyang naka-uwang ang pi

