CHAPTER FIFTY ONE HINDI ako pwedeng magkamali sa gusaling ito. Ito ang gusali kung saan ko siya unang tinagpo. Ang The Resurrection Tower. Ipinasok niya ang kaniyang sasakyan sa basement. Napakaraming sasakyan. Iba-iba. SUV, van, sedan, compact at meron din akong nakitang tatlong sport cars at isang convertable. Sa pagkakatanda ko, walang ibang nakatira rito kung hindi siya lang. kaya malamang sa malamang, pag-aari niya ang lahat ng sasakyang nakaparada rito na para bang laruang koleksyon niya lamang. Napakadilim. Napakatahimik. Nakakatakot. Damang-dama ko na ang init. Tumutulo ang pawis ko sa aking noo. Sigurado akong pawis ko ang natagaktak sa akin dahil kanina pa natuyo ang basa sa akin balat. Ipinarada niya ang sasakyan niya na nakaharap sa isang grand tourer na kung hindi ako nag

