[C]hapter Thirty One HINDI ko alam kung paano humantong sa ganito. Ang alam ko na lang ngayon, nakahiga ako sa nakapalambot na sofa na meron libo-libong maninipis na hiblang tila balahibo na nagbibigay gaan sa pakiramdam, kabanayaran sa aking balat. Nakapatong sa akin si Sebastian habang patuloy niyang inaangkin ng kaniyang mga labi ang aking manipis at malambot na mga labi. Maramdamin, may init, alab ang mabanayarang niyang paghalik. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming naghahalikan pero ang sigurado ko lang nakakatatlong kantang pamasko na ang nakalipas simula noong lapitan niya ako---hawakan ang aking kaliwang pisngi habang nakakatitig sa akin mga mata hanggang sa magdesisyon siyang ilapat ang mga labi niya sa akin. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman kung bakit hindi ko

