CHAPTER THIRY TWO PARANG isang bampira si Grevan na hindi makapasok sa loob ng tahanan hanggat hindi siya naanyayahan. Tatlong beses na niyang isinisigaw ang buong pangalan ko, malakas, iskandaloso. Mula rito sa sofang kinauupuan ko ay nakikita ko siya sa labas, nakasuot ng kulay abong long sleeves na hinila niya hanggang sa mga siko niya, itim na itim na maong na pantalon, hapit na hapit ang kaniyang mga naglalakihang mga hita at tila ba’y hindi niya alintana ang maagang mainit na sinag ng araw na dumadampi sa kaniyang balat. “MICO DEL ROSARIO!” Ikaapat na panawag niya. Hindi niya marahil ako nakikita ng malinaw mula rito dahil tumitingin pa siya sa itaas. Lumabas si Sebastian kaniyang kwarto na bagong bihis. Puting polo na nakabukas pa ang una’t ikalawang butones nito dahilan para

