CHAPTER FOURTY TWO “HINDI ako pwedeng magtagal dito Sebastian. Alam mo naman na ang tungkol sa amin ni Grevan ngayon ‘di ba? Meron ka nang ideya tungkol sa aming dalawa.” Mahinahong pagpapaliwanag ko sa kaniya. Nandito pa rin kaming dalawa sa tulay na naka-extend sa dagat. Inaayos niya ang buhok kong tumatakip sa mukha ko dahil sa lakas ng hangin. Ayaw niyang magsalita, hindi niya gustong tugunan ang mga sinabi ko. Hinawakan ko ang mga palad niya. Nakatingin siya sa akin, minamasiran ang aking itsura, “…at itong ginagawa mo. Lahat ng ito—hinuhugot mo sa librong nabasa mo… sa paborito mo. Hindi ko pa malalamang nandito ka kung hindi ko maalala ang isang kabanata. Hindi ko alam kung tama itong ginawa mo.” “Gusto lang kitang laging makasama. Mali ba iyon?” “Pero meron na akong Grevan S

