CHAPTER FOURTY SEVEN “KAILAN mo pa alam Sebastian?” Pabulong na pagkakatanong ko sa kaniyang habang dahan-dahan kaming pamalulusong sa tubig. Dahil sa lakas ng tilamsik at nababasa na ang aking balat. “Hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi ko sabihin sa iyo Mico. Nasa ikatlong kabanata pa lang ako noon nang puntahan ko ang publisher ng libro mo. Nagbayad ako ng malaki para lang ibigay nila sa akin ang lahat ng impormasyon ng may akda. Gusto kong malaman kung saan nanggaling ang mga salitang nakasulat sa libro. Gusto kong alamin kung paano niya nagawa ang librong hindi ko akalaing makukuha ang atensyon ko. Pasensya na kung hindi ko kaagad sinabi sa iyo. Pasensya na kung hindi kaagad kita nilapitan noon. Hindi ko gustong mailang ka sa akin. Alam kong sa LHU ka nag-aaral kaya hindi

