CHAPTER FOURTY SIX KUMAKAIN kaming dalawa ngayon ni Sebastian dito sa maliit na dinning area nitong bahay. Dito sa baba. Hindi ko alam kung anong tawag sa mga inihanda niya pero lahat ng nakahain ay niluto niya talaga. Pinanunuod ko pa nga siya kanina habang nagluluto siya. Wala akong ibang masuot na ngayon kung ‘di itong malaking polo niya at ang brief niyang sobrang laki kaya kinailangan ko pang buluhin sa tagiliran para hindi malawlaw---ito lang daw ang isang bagay na hindi niya napaghandaan dito, ang mga isusuot ko. O sadyang hindi talaga siya naghanda ng masusuot ko. Gusto niya atang nakahubad lang kaming dalawa lang lagi rito sa isla na ito. At siya? Wala siyang ibang suot kung ‘di ang puting brief niya at ang balat niya. “Nagutom talaga ako Mico. At sigurado akong ikaw din at s

