UNA
Fight For Us
UNA
"Come on, Maria! Loosen up!" Gumigiling si Jewel sa tugtugin. Nakahawak ito sa dalawa kong kamay at itinataas ito sa ere. Gusto niya akong sumabay sa galaw niya.
Umiling na lang ako sa kaniya at tumawa.
Humigpit ang hawak sa akin ni Jewel at pilit na isinasayaw sa dagat ng mga tao. Hindi ko mapigilang hindi mahiya dahil nasa gitna kami! Madaming tao ang bumabangga sa braso ko dahil sa sobrang pagkaka sayaw.
Nilapit ni Jewel ang mukha niya sa akin. "Maria, I know na this is your first time but believe me, Maria. You will enjoy this! So, come on, girl! Loosen up. Sway that damn hips!" Hinawakan ako ni Jewel sa balakang at pilit na igalaw ito. Sinasabayan ni Jewel ang bawat beat ng tugtugin.
Maingay din ang paligid. Pag pasok pa lang namin kanina halos takbuhin ko na ang labasan para makauwi na. Kung kanina lang ay natutuwa pa akong pumunta sa ganitong lugar, pero ngayong nasaksihan ko na ang nangyayari sa ganitong lugar mas gugustuhin ko na nga lang talagang mag basa.
Punong-puno ng usok ang paligid. Nakakarindi rin ang ingay na nagmumula sa unahang parte ng nightclub. Inikot ko ang paningin sa loob. Madaming tao na nagsisi inuman at nakikipag lampungan sa kani-kanilang mga upuan. Napairap ako ng wala sa oras.
Alam ko naman na ganito ang eksena sa ganitong lugar pero bakit parang na-disappoint pa ako? Iwinaksi ko na lang ang iniisip at nag patangay kay Jewel. Pinaupo niya ako sa isang pa-square na sofa.
"I'll be right back, Maria. 'Wag kang aalis ha!" paalam niya sa akin. Hindi na nga nito na hintay ang pag alma ko sana.
Wala naman akong magawa kaya pumirmi na lang sa aking kinauupuan. Ano ba naman kasing magagawa ko dito? Sinuyod na lang ng aking paningin ang kabuoan ng nightclub. Napataas ang kilay ko dahil maganda nga naman talaga ang lugar.
Mga limang minuto rin ang itinagal bago nakabalik si Jewel sa tabi ko. May mga kasama na nga itong mga kaibigan. Madami sila at sa tingin ko naman ay mag kakasya sila sa iisang sofa na 'to. Malaki naman ito at kayang iokupa ang mga kasama. May mga dala-dala itong mga alak na hindi ko alam ang mga pangalan.
"B, I want you to meet my friends! I hope you don't mind naman na kasama natin sila, right? They are good naman."
"Oo naman..." mahinang sabi ko. Napakurot pa ako sa kamay ko dahil sa matinding kaba at hiyang nararamdaman ko.
Ngumiti na lang ako sa mga kasama ni Jewel. Umupo si Jewel sa tabi ko ganoon din ang ginawa ng mga kasama niya. Maiingay silang kasama at nakakatuwa dahil hindi ako kailanman nakaramdam na hindi belong sa grupo nila. Lagi nga akong isinasama sa mga kuwentuhan at asaran. Naging malapit din ako sa mga iba katulad na lang kay Joshua, Alex, Megan, Katie at si Art na kaibigan pala noong sikat na nag viral .
"Ano nag e-enjoy ka ba?" tanong sa akin ni Katie. Sexy at maganda si Katie. Anak siya ng isang politiko na sikat dahil sa pagiging matulungin at tapat sa tungkulin.
Tumango ako. "Ah... Oo," kahit naman na natutuwa ako sa pagiging madaldal ni Katie hindi ko parin maiwasang hindi mahiya lalo na at ako ulit ang sentro ng tanungan.
"That's good! Siguro naman mauulit pa ito, ano?" singit ni Alex. Nilingon ko si Alex na umiinom sa kaniyang baso habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasang hindi matulala sa kagwapuhang taglay nito.
"Of course, Alex. Isasama ko na lagi rito si Maria," si Jewel ang sumagot para sa akin. Hinayaan ko na lang siyang mag salita. Sa tingin ko naman ay hindi siya papayag na hindi na muli ako sasama sa ganitong pag titipon nila.
Nilagyan ni Megan ang baso ko ng panibangong alak. Napangawi ako sa ginawa niya. "Uh... Hindi ako umiinom, Megan. Baka hindi ko na kayanin 'yan," natatawang pasarin ko.
Umiling lang ito at itinulak ang baso palapit sa akin. "You have to drink. Sanayin mo na ang sarili mo dahil lagi na tayong iinom!" taas-baba ang kilay nito.
"Sige na, Maria. Sa condo na lang muna kita. Ako ang bahala sa'yo," bulong ni Jewel sa akin.
Mas lalong umingay sa table namin dahil pinipilit nila akong lahat na inumin ang bigay ni Megan. Kinuha ko ang baso at unti-unting ininom 'yon. Napapikit ako sa pait at tapang ng iniinom. Parang may gumuhit sa lalamunan ko.
"H-hindi k-ko na kaya..." Lunok na ako nang lunok dahil hindi mawala ang lasa sa lalamunan ko. May inabot sa akin si Joshua. Inom ko daw para matangal ang lasang hindi kaaya-aya.
Nakapikit na lang ako habang sila ay patuloy parin sa pag inom. Mga halimaw na sila sa ganito.
"Nakita niyo ba si Aiden?" rinig kong tanong ni Jewel.
Gusto ko sanang dumilat pero hindi ko kinakaya. Lasing na ata ako. Bumibigat na rin ang ulo ko kahit na nakapatong naman ito sa may uluhan ng kinauupuan.
"Ah! Si Aiden? Hindi ata pupumunta ngayon. 'Lam mo na... Yung nangyari noong nakaraang linggo."
Hindi ko na alam kung sino ang nag sasalita dahil hindi ko na talaga kayang dumilat pa. Bibigay na ata ang katawan ko.
Hindi ko na rin nga magawag masundan ang pinag uusapan nila. Matagal na rin noong nakainom ako. Mas lalo pa nga umingay noong sumapit na sa ala una ang oras. Dahil siguro sa kalasingan kaya naman mas naging magulo sa loob ng nightclub.
"Maria... Come on... Let's dance?" Tinatapik ako ni Jewel sa braso para dumilat.
Umungol ako dahil hindi parin mawala ang tama ko. Naka tatlong baso lang ako kanina pero grabe na ang lasing ko.
"Bumili si Art ng kape para sa'yo. Inumin mo para mawala ang tama mo."
Pinilit kong dumilat at umayos ng upo. Pag dilat ko nakatingin silan lahat sa akin. Biglang naman akong nahiya dahil parang hindi pa sila tinatamaan ng alak. Maayos pa ang mga itsura nila samantalang ako para na akong ewan.
"Ah!" Napahawak ako sa ulo dahil bigla itong sumakit sa biglaang pag ayos ng upo.
Inalalayan naman ako ni Jewel sa pag inom ng mainit na kape. Muntik pa nga akong mapaso dahil papikit-pikit ako.
Narinig kong natawa si Jewel.
"Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Joshua. Tumango naman ako sa kaniya. Nag sisi pa nga ako dahil mas sumakit ang ulo ko.
Nag aalalang tinitignan ako ni Katie at Megan. Gusto kong matawa sa itsura nila dahil halatang nag sisisi sila sa pag pilit nilang uminom ako.
"3 bottles pa lang 'yon ha!" inabutan ako ni Megan ng tissue. "I'm sorry, Maria, sana hindi na kita pinilit na inumin 'yong binigay ko," dagdag pa niya.
Winagayway ko ang kaliwang kamay ko para sabihing 'It's okay'. Tumikhim si Katie sa may gilid ni Alex. Malayo ang tingin niya kaya naman sinundan namin ang tingin niya.
"Gosh! Ang hot!" Tili ni Megan.
Narinig ko ring tumikhim si Jewel sa tabi ko dahil sa nakitang bagong dating na lalaki. Hindi ko na magawang titigan ng maayos ang lalaking nag lalakad sa gitna ng madaming tao. Maging ang iba ay napatigil sa pag inom at pag sayaw dahil sa pag pasok niya.
"Akala ko ba?" hindi makapaniwalang baling ni Jewel kay Art na prenteng nakaupo at sumisimsim sa baso niya. Tinignan niya si Jewel at nag kibit balikat.
Si Alex at Joshua naman ay natawa sa itsura ng tatlong babaeng kasama. Tumayo si Joshua at lumakad palapit sa lalaking dumating. Binulungan niya ito kaya na patingin ang lalaki sa gawi namin. Hindi ko alam kung bakit napa iwas ako ng tingin nang mag tama ang mata namin. Napa daretso pa ako sa pag kakaupo. Tila nawala ang tama ng alak na kanina lang ay halos pagapangin na ako sa sakit ng ulo.
Bumaba ang tingin ko sa kapeng hawak ko na mula pa sa isang sikat na coffee shop. Nakapangalan pa nga kay Art ang kape. Naramdaman ko na lang na may dumating. Hindi na ako nag abalang tignan ito dahil alam ko naman kung sino 'yon.
Umupo silang dalawa sa may right side ng upuan katabi ni Art. Dahil na sa may gitna ako ng pa-square na upuan makikita ko sila sa peripheral vision ko pag dumaretso ako ng tingin sa may dancefloor.
Siniko ako ni Jewel kaya napatingin ako sa kaniya. Nasa may right side ko siya nakaupo kaya naman nadaan ng tingin ko si Aiden na seryosong nakiking sa kaibigan habang nakatingin sa pinag lalaruang basong may lamang alak.
"Si Aiden, Maria! Gosh, akala ko hindi ko siya makikita tonight!" pigil ang tili ni Jewel. Ang mga mata niya ay nakatuon sa lalaki.
Bumuntong hininga ako at hinaplos siya sa kaniyang likod dahil parang hihimatayin ito.
"Maganda pa ba ako?" Seryosong tanong sa akin ni Jewel. Nakatingin lang ito sa akin at nag hihintay ng sagot. Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman..."
Inalis ni Jewel ang tingin niya sa akin at pasimpleng binulungan si Art na katabi niya. Sinabi niya roon na ipakilala siya kay Aiden.