Kabanata 5

1832 Words
Fight For Us Kabanata 5 Hindi ako umuwi gaya ng pinag planuhan ko. Hindi ko kasi kayang umuwi lalo na at hindi ko pa alam kung anong pinag gagawa ko kagabi. Ayaw talaga nilang sabihin sa akin. Nasa sala kami ngayon na pag pasiyahan nilang manood na lang ng movie sa Netflix ni Jewel. Naka upo ako sa may lapag habang si Jewel ay naka upo sa sofa. Nasa gitna ako ng dalawa niyang binti. Gano'n kasi talaga kami ni Jewel. Nakahiligan na niyang pag laruan ang buhok ko habang nanonood ng palabas. Sila Megan at Katie naman ay nasa sofa rin, katabi ni Jewel sa may right side. Kumakain sila ng pina-deliver nilang pizza. Ang mga lalaki naman ay ganoon din, naka upo si Joshua at Alex sa kabilang gilid ng sofa. Nasa left side sila ni Jewel. Si Art at Aiden naman ay naka upo sa pang isahang couch. No'ng una nga ay gusto na umalis ni Aiden dahil may gagawin pa raw ito pero hindi siya pinakawalan nila Alex. Nasa may parte na kami ng palabas na ang dalawang bida ay mag ha-halikan na nang biglang tumawa si Katie. Si Katie kasi ang pala tawa sa grupo, magaling din siyang bumasag ng dead air. "May na alala ako," natatawang sani niya. "Uy! Umayos ka, Katie. Manahimik ka diyan baka may masabi ka." Nilagyan ni Megan ng pizza ang bibig ni Katie para manahimik siya. Tumingala ako kay Jewel. "Ano 'yon?" Ngumuso ako kila Katie. "Wala 'yon! Nood ka na lang." Hinawakan ni Jewel ang mukha ko at iniharap sa TV. Naramdaman kong gumalaw si Jewel para kurutin si Megan. Tumango naman si Megan sa kaniya. "Mapusok talaga ang kabataan ngayon, 'no?" wala sa wisyong tanong ko sa kanila. Nilibot ko ang tingin sa kanila dahil tumigil sila sa pag kain at panood para tumgin sa akin. "'No? Tignan niyo 'tong palabas. Masiyadong mapusok si girl," sabi ko habang tinuturo ang bidang babae. Pinipilit kasi niyang halikan ang bidang lalaki. Tumango naman sila. "Oo nga, eh..." si Natatawang pag sang ayon ni Jewel sa sinabi ko. Tumayo si Joshua sa pag kakaupo sa sofa at kumuha ng coke sa lamesa sa harapan ko. "Pero okay lang 'yan. Hot naman siya." Naka kunotnoong binaling ko ang ulo kay Joshua na ngayon ay umiinom na ng coke. "Dapat 'di niya pinipilit si guy. Halata namang ayaw sa kaniya ni guy mag pahalik pero pinipilit niya. May girlfriend pa naman si guy! Paano kung bumigay 'yan? Edi na pa-cheat si guy? Gosh! Sumasakit ulo ko sa babaeng 'yan, ha!" mahabang lintanya ko sa kaniya. Napatahimik naman sila. "Grabe ka, b! Manahimik ka na lang, ha? I-close na lang natin 'yang bibig mo. Baka kasi mag sisi ka sa future niyan," pabirong sabi ni Jewel. Tinakpan niya rin ang bunganga ko. Natapos ang movie ng tahimik kaming lahat. Mga alas dose na ata nang matapos kami sa panonood ng palabas. Katulad kanina, nag pa-deliver na lang sila ng pag kain. Nalaman ko rin na hanggang alas cuatro pala sila nag inuman. Mga halimaw nga sa alak. "Alis na 'ko." Rinig kong paalam ni Aiden sa kaibigan. "Dude, 'wag na muna! Mga three na tayo umuwi! Saya ka dito," sabi ni Alex. Nasa may sala sila habang ako naman ay nasa kusina para ayusin ang pag kain namin. Hindi na siya dito kakain? Sayang naman 'tong para sa kaniya? "I need to go to Grace," malumanay na sabi niya. Grace? May girlfriend pala siya? "I thought break na kayo, dude!" Umiling si Aiden kay Joshua. "Hayaan niyo na umalis. Mag uusap pa ata sila ni Grace." Si Art. Hindi ko na sila narinig pang mag salita. Nakarijig na lang ako ng pag lock ng pinto. Baka umalis na? Lumabas ako sa kitchen para tawagin na silang kumain. Nagugutom na ako. "Kain na tayo?" tanong ko sa kanila pag labas ko. "Maria, may nag text sa'yo." Kinuha ko kay Megan ang cellphone ko na nakalagay sa may coffee table sa may sala. Si Kuya. From: Kuya Maria Aderia Angeles Gomez, wala ka bang balak umuwi? Anong oras na, ha! Hinintay kita kanina pang madaling araw! Umuwi kana! Napa face-palm na lang ako dahil nagiging OA na naman si Kuya. Para hindi na siya magalit nag reply na lang ako sa kaniya. To: Kuya Chill ka lang! I'm safe andito ako sa condo ni Jewel. Nag katuwaan pa kasi kami kaya hindi na muna ako umuwi kaning umaga. Siguro after lunch? At saka, sila Mama nga 'di ako tinext, eh! Madami pang sinabi sa akin si Kuya sa text. Inaway pa nga ako. Nasa may kusina na sila, hindi pa kumakain kasi hinihintay daw nila akong makabalik. "Same program ang kinuha niyo ni Jewel, Maria?" tanong ni Joshua. Tumango ako sa kaniya bago sumubo. "Education din." Madami pa kaming pinag kuwentuhan. Mag kakasing edad lang pala kami. Nalaman kong si Megan ay isang anak ng artista. Si Joshua at Alex naman ay mag pinsan, habang si Art naman ay kaibigan na nila mula Elementary pa lang sila. Ang pinaka close kay Art ay si Aiden. Nag mo-model si Aiden ng mga kilalang brands local and international. His parents are both Lawyers, kaya pinag tataka ko bakit hindi siya sumunod sa yapak ng mga magagaling niyang magulang. He's taking up medicine in La Salle. Alas dos na ako nag pasiyang umuwi na. Ako ang huling umuwi. Sinabay na kasi ng mga boys sila Megan and Katie, niyaya pa nga nilang sumabay na ako pero tumanggi ako. Nahihiya namana ko siyempre. "Buti umuwi ka pa!" si Kuya ang bumungad sa akin sa may pinto. Nakapamewang ito at kunot na kunot ang noo. Humalik ako sa pisngi niya para hindi niya na ako sigawan ulit. Si Kuya kasi sobrang lambot niyan pag dating sa amin. He's very sweet and loving brother. "Kuya naman... Minsan lang naman 'to. Kaya please! 'Wag kana magalit, oki?" malambing na siyo ko sa kaniya. Humawak si Kuya sa braso ko at pinapasok na niya ako sa bahay. Dinala niya ako sa kusina at pinaupo. Kumuha siya ng mangkok at nag salin doon ng sabaw. "Oh!" Ngiting ngiti ko siyang tiningala. "Thank you," sabi ko sa kaniya. Pinitik niya lang ako sa may noo at umalis na sa kusina. Narinig kong kinatok niya si Mama sa may kwarto at sinabing naka uwi na ako. Lumabas naman si Mama at pinuntahan ako dito sa kusina. "Ano, 'nak? Saya ba?" Tumango ako sa kaniya at humigop ng sabaw. "Aba dapat lang!" nakangiti si Mama. "Anong nangyari? Nalasing ka? Nalasing ka 'no? Hindi ka pa naman sanay. Hayaan mo, minsan iinom tayo." Pang aaliw ni Mama sa akin. Alam ko naman na hindi pala inom si Mama ng alak kaya naman natawa ako sa kaniya. "Sus! 'Di ka nga rin nainom ng alak, eh," ani ko. Tumawa siya at kumuha ng tubig sa ref. Umupo siya sa may harapan ko. "Naka tikim na ako no'ng nobyo ko pa lang Papa mo! At saka, dito lang naman tayo iinom sa bahay." Pumayag na lang ako para pakawalan na ni Mama. Nakahiga ako sa kama nang tumunog ang cellophone ko. May notification ako sa f*******:. I opened my f*******: account and found their friend requests. I accepted them all before closing my eyes. Hindi ko pa pala nalalaman kung anong ginawa ko kagabi! My phone chimed again for another notification, a message from messenger this time. My forehead creased when I saw a group chat. Panibago? Para saan? Pinindot ko na lang. Chat ni Joshua ang bumungad sa akin. Joshua: Ha? Inom na naman? Napatawa ako sa chat niya dahil parang ayaw niya. Alex: Siyempre! Megan:  Kunwari ayaw Joshua:  Maria, hi! Chat ka naman 'wag puro seen hahaha Napangiti naman ako dahil doon. Megan:  MARIAAAAA HELLOOO INOM TAYO??? Maria: Si Mama gustong uminom kung okay lang sa inyo dito na lang sa amin... Jewel: Hoy seryoso? G ako! Joshua: Nice, cool pala Mommy mo Alex: Yown! Kailan ba? Para masabihan ko 'yong mga 'di online. Maria: Tanong ko lang muna kay Mama. Tumayo ako sa pag kaka higa at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Stacy na nag lalaro sa sala kasama si Clarisa. Si Kuya naman ay pumasok na kanina pag dating ko. Pumunta ako sa kwarto nila Mama. "Ma..." Kumatok ako sa pinto, hindi naman nag tagal binuksan naman na ni Mama. "Oh, 'Nak! Bakit?" Kumamot ako sa kilay at nahihiyang tumingin sa kaniya. "Okay lang ba na uminom dito mga kaibigan ko next week?" Nakitaan ko siya ng gulat sa mata pero nabawi naman niya iyon agad. Ngumiti siya sa akin. "Oo naman... Kailan ba?" "Friday po sana," sabi ko. Pumayag si Mama kaya naman nag madali akong nag chat sa gc. Maria: Friday, next week. Jewel: Naeexcite na ako!! Ilang oras din kaming nag usap usap doon bago nag desisyong maligo na. Hindi na nga ako nakapasok sa trabaho ngayong araw kaya naman babawi ako bukas. Pumayag naman 'yong manager ng store na mag double time ako. Kinabukasan, maaga akong gumising para tumulong kilala Mama. Nagising akong nag lalaba na si Mama kaya ako muna ang luto para sa breakfast namin. Nakapag paalam na rin ako kay Papa kagabi para sa magaganap na inuman dito sa bahay sa susunod na Friday. Mabilis lang ang naging sagot ni Papa pero si Kuya nag nag pakita ng pagaalma niya sa desisyon ng magulang namin. "Hello, Stacy." Pag tapos kong mag luto ng almusal ginising ko na si Clarisa at nilaro naman si Stacy sa sala. Mga alas siete na noong kumain kami ng almusal. Hindi kasi maagang umalis si Papa at Kuya. Mag a-alas dos na nang mag ayos ako para sa pag pasok sa store. Ang oras ko ngayong araw ay hanggang alas dies ng gabi dahil nga hindi ako nakapasok kahapon. "Alis na po ako!" Nag lalakad na ako sa sakayan ng jeep nang makakita ako ng tusok-tusok kaya kumain muna ako. Maaga pa naman dahilan ko. Saktong alas tres na ng makadating ako sa store at pinalitan ang lalaking katrabaho. Hindi naman nakakapagod  ang araw na 'to kahit na madaming bumibili. Alas otso ng gabi nang pumasok sa store ang pamilyar na mukha. Ilang segundo ko ring inisip kung saan ko siya nakita. Naka sumbrero at shades parin siya ngayon. Umupo siya sa dulong parte ng store at nag cellphone. Ilang minuto rin siyang nakaupo doon nang walang binibili kaya naman pinapanood ko ang bawat galaw niya. Nagitla ako nang biglang siyang tumingin sa gawi ko. Mabilis kong iniwas ang tingin. Nag panggap akong may ginagawa sa counter kahit ang totoo naman ay wala akong ginagawa. Nakita ko siyang kumuha ng pagkain at inumin nang iangat ko ang tingin sa kaniya bago pumunta sa akin. Nilapag niya ang pinamili. "No need to watch for me. I just need a quit place to wait for someone. Am not a shoplifter or what," seryosong sabi niya. Nakaramdam ako ng easiness sa paraan kung paano siya mag salita. Parang narinig ko na ang boses niya. Noong nakaraan naman ay hindi siya nag salita kaya paanong pamilyar ang boses niya? Inilabas niya ang isang libo niya at inilapag sa counter. Hindi pa umaabot sa isang daan ang binili niya pero ang laki ng ibinatad niya. Kumukuha ako ng sukli niya nang umalis na siya sa harap ko. "W-wait!" He lifted his right hand to tell me not to bother anymore. "Keep the change," simpleng sagot niya. Wala naman akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siyang bumalik sa puwesto niya sa dulo. Ten minutes before matapos ang shift ko, nakarating na ang kapalitan ko. Hanggang ngayon ay andoon parin siya nag hihintay. Hanggang sa maka alis ako. Sino ba ang hinihintay mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD