bc

My Rebound Boyfriend

book_age18+
7.6K
FOLLOW
63.3K
READ
revenge
possessive
sex
self-improved
student
drama
sweet
bxg
city
first love
like
intro-logo
Blurb

Hanggang saan ang kaya mong tiisin dahil sa pagmamahal mong hindi naman pinapahalagahan? Humanap ka ng taong deserve 'yang pagmamahal mo. Sa taong kaya kang mahalin, pahalagahan at iingatan.

Sabay-sabay po nating tunghayan ang kwentong pag-ibig ni Abby at Jason.

Gomez Series #2

Jason Gomez and Abby Valdez

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 *Abby* Nagmadali akong lumabas ng kwarto para silipin si Mark sa labas. Ang sabi niya ay pupunta siya rito ngayon. Laking gulat ko no’ng binuksan ko ang pinto ay siya namang bungad ni Mark. Namumula siya at amoy alak, mahahalatang nakainom. “Uminom ka?” Banayad kong tanong kahit alam ko na ang sagot. Gusto ko lang na sabihan niya ako sa mga ginagawa niya para may alam ako sa nangyayari sa buhay niya. Girlfriend niya ako at wala naman sigurong masama doon. Napasinghap ako nang mabilis niyang inangkin ang labi ko. Mabilis ko siyang tinulak nang mapagtanto kong nasa pinto lang kami. Nakabukas pa naman at maraming dumadaang tao kahit alas nuebe na ng gabi. “Tss,” tila pagrereklamo niya dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit kakaibang kaba ang nararamdaman ko ngayon sa kaniya. Hindi naman siya ganito noong mga nakaraan at hindi rin siya naglalasing ng ganito. Sinara ko ang pinto at hinila si Mark papuntang kwarto ko. Tulog na sina Nanay at Tatay, hindi rin naman bago sa kanila na pumupunta si Mark dito. Kaya minsan ay dito pa siya natutulog sa kwarto ko. “May problema ka ba?” banayad kong tanong sa kaniya pero umiling siya. Gulo-gulo ang buhok niya at namumula ang mukha pero lalo lang bumagay sa kaniya. Aaminin kong siya ang first crush ko at first love. Hindi ko nga inaasahan na magiging boyfriend ko si Mark dahil walang ligawang naganap. Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko at marahang hinalikan ako sa labi. Sinuklian ko ang malamlam niyang paghalik sa’kin. Naramdaman ko ang kamay niyang humahaplos sa likuran ko. Agad akong napasinghap nang umabot ang palad niya sa puwetan ko kasabay no’n ang marubrob na halik na ginagawa niya sa labi ko. Tila ba uhaw na uhaw at gutom na gutom. Hindi ko kayang sabayan ang mga halik niya dahil ngayon lang niya ginawa ito sa’kin. Hindi naman ito ang first kiss namin pero iba ngayon. At nang umakyat ang kamay niya sa tapat ng dibdib ko at mabilis na pinunit ang pang tulog kong damit ay mabilis ko siyang tinulak. Punit na ang damit ko kaya naman nakasilip na ang kanang dibdib ko. Mabilis ko ‘yong tinakpan at nakita kong dumilim ang mga mata niya. Umiigting ang panga niya at tila nainis sa ginawa ko. Mabilis niyang hinapit ang baywang ko at dinikit ang katawan ko sa kaniya. Naramdaman ko agad ang matigas na bagay sa ilalim ng pantalon niya. Umabot ang kilabot at kaba sa dibdib ko. Sunod-sunod akong napalunok dahil sa kaba. “Mark,” kinakabahang tawag ko sa kaniya. Hindi siya umimik at mabilis na inalis ang kamay kong nakatakip sa kanang dibdib ko. Mabilis niyang pinunit ang natitirang damit ko at tuluyang inalis. Pati ang bra ko ay hindi niya pinatawad, pinunit niya rin at tinapon sa kung saan. “M-Mark,” naiiyak kong tawag sa kaniya. Taas baba ang dibdib niya at madilim ang mga matang nakatitig sa hubad kong katawan. Nakasuot pa rin naman ako ng underwear pero pakiramdam ko kita na ang buong katawan ko. Mabilis niyang hinawakan ang magkabila kong dibdib at kabilaang sinisipsip ang tuktok nito. Tuluyan na ‘kong napaiyak sa ginagawa niya sa’kin. Tahimik akong humagulgol habang walang sawa niyang hinahalikan ang dibdib ko. Hindi ako nagreklamo, hindi ako pumapalag. Hinahayaan ko lang siya kahit na ang puso ko ay parang pinipirapiraso. Hindi ko inaasahan na makikita ko siyang ganito. Hindi ko inaasahan na gagawin niya sa’kin ‘to. Tumutulo ang luha ko sa mukha niya, agad siyang nahinto sa ginagawa nang masilayan ang mukha ko. Umayos siya ng tayo at pinakatitigan ako. Nanatili akong tahimik at tanging hikbi ko lang ang maririnig sa loob ng kwarto ko. “Mahal mo ba ‘ko?” Deretsong tanong sa’kin ni Mark at hindi alintana na umiiyak ako sa harap niya. Walang alinlangan akong tumango sa kaniya pero umiling siya tila hindi naniniwala sa’kin. “Mahal kita, Mark,” natatakot kong wika. Ayokong ganito kami, nag-aaway dahil lang sa isang bagay na hindi pa pwede sa ngayon. “Kung mahal mo ‘ko dapat binibigay mo ang gusto ko!” Bahagyang tumaas ang boses niya kaya agad kong sinara ang pinto ng kwarto ko. Baka marinig nina Nanay at Tatay ang pagtatalo namin, lalo pa’t hindi na maganda ang timpla nitong si Mark. “Hindi naman sa gano’n,” kinakabahan kong sagot at pinunasan ang luha. “I’m done,” matigas niyang wika, lalo akong kinabahan sa sinabi niya. “H-Hindi pa sa ngayon,” kinakabahang wika ko at mapait siyang ngumiti. “I’m going home. I’m tired,” malamig niyang wika at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Naiwan akong mag-isa at tulala. Napatitig na lang ako sa pintuang nilabasan niya. Naramdaman ko na lang ang luha kong tumutulo na naman. Ano bang nagawa ko? Hindi ba pwedeng... ako ang masusunod dahil katawan ko naman ito. Basehan na ba ng pagmamahal kung ibibigay mo ang sarili? Doon na ba malalamang tapat ako sa kaniya? Na talagang mahal ko siya? Nagkaroon ng mga katanungan sa isip ko na hindi ko alam kung paano masasagot. “Mahal kita, Mark pero hindi pa ngayon. Hindi pa,” mahinang boses na lumabas sa bibig ko kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Mahina kong sinara ang pinto at nagpasya nang magbihis. Mabigat ang kalooban kong humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame at inaalala ang mukha ni Mark kanina. Hanggang sa unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko at nakatulog na. Maaga akong nagising at naalala ko agad ang bawat imahe kagabi. Gusto ni Mark na may mangyari sa’min pero hindi ako pumayag. Natatakot ako dahil wala akong alam sa gano’ng bagay at isa pa, first time ko. Virgin pa ako at gusto kong sa tamang tao ko ibigay ang p********e ko. Iyon ay sa mapapangasawa ko at makakasama habang buhay. Mahal ko si Mark, mahal na mahal. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang ipagkatiwala ang sarili sa kaniya gayong matagal na kaming magnobyo at magnobya. Ilang beses na ba niyang gustong angkinin ako at maraming beses na rin akong hindi pumayag sa gusto niya. Aaminin kong madalas kaming magtalo dahil sa bagay na ‘yon, gaya na lang nang kagabi. Bumangon ako sa kama at kinuha ang phone ko. Tatawagan ko si Mark para makipag-ayos. Hindi ako sanay na may tampuhan kami at kahit ilang beses na kaming nagtalo dahil sa bagay na ‘yon ay mas malala pa rin ang nangyari kagabi. Napalingon ako sa damit kong pinunit niya. Agad bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya kagabi. “Kung mahal mo ‘ko dapat binibigay mo ang gusto ko!” Paulit-ulit na umi-echo sa isip ko ang mga sinabi niya. Nanginginig ang kamay kong ni-dial ang number niya. Gusto ko siyang kausapin dahil hindi ako sanay na galit siya sa’kin. Habang naririnig ko ang ring ay nag-iisip na ako ng unang sasabihin. Sana gising na siya at nakabalik na sa dating wisyo. Alas syete pa lang ng umaga pero nagbabakasali na akong gising na siya. Umayos ako ng upo nang sagutin na ang tawag. “H-Hello?” panimula ko. Nabuhol pa ang dila ko dahil sa kaba. “Who’s this?” isang boses ng babae sa kabilang linya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ‘yon. May babae ba si Mark? Bakit may ibang babae na may hawak ng phone niya. Samantalang sa’kin ayaw niyang ipahawak. “S-Sino po sila?” kinakabahang tanong ko. Naninikip ang lalamunan ko at kumikirot ang dibdib. Natatakot akong sagutin ng babae kung sino siya. Baka masaktan ako at hindi ko kayanin. Pero sana... mali ang inaakala ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook