Chapter 79

2853 Words

Chapter 79 *Abby* “Who’s that girl?” Tanong ni Kevin habang hinihimas pa rin ang sinampal ni Tere na pisngi niya. Inabutan ko siya ng ice bag at umupo sa tabi ni Jason na ngayon ay may makahulugang ngisi sa kaniya. Namula talaga ang sinampal ni Tere sa kaniya. Malakas nga yata talaga dahil malutong ang tunog ng pagkakasampal sa kaniya. “Si Trixie,” sagot ko sa kaniya at dalawang beses siyang tumango. “Mukha ba akong bastos?” Naiinis na tanong niya. “You are,” walang gatol na sagot ni Jason sa kaniya. “Siguro kailangan ko ng palitan ang pag-uugali ko pagdating sa babae. Dahil noong nagpakilala rin ako kay Abby, nabugbog ako,” saad niya at napailing. Si Jason ang bumugbog sa kaniya noon. Kung hindi siya nakapasok sa unit niya noong gabing ‘yon ay baka sa hospital siya maderetso.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD